summit

Trump at Kim, lumagda ng kasunduan sa kanilang summit

International News

Nangako ang North Korean leader na si Kim Jong-un na didis-armahan nito ang kanyang nuclear arsenal habang nagbigay si US President Donald Trump ng security guarantees sa North Korea.

Ito ang batayan ng joint statement ng dalawang lider sa isinagawang makasaysayang summit sa Singapore.

Sinabi ni Trump na buo ang tiwala nito na tatalima si Kim sa kanilang napagkasunduan ngunit nilinaw nito na magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng kanilang sanctions sa North Korea hangga’t hindi maalis ang banta ng nuclear weapons sa Pyongyang.

Nangako naman si Kim na sisirain nito ang kanilang pamahalaan ang engine-testing site ayon sa kahilingan ni Trump.

Kabilang din sa napagkasunduan ang pagtigil sa joint military exercise sa pagitan ng US at South Korea.

Inaasahan na may mga karagdagan pang mga pagpupulong sa pagitan ng mga senior officials mula sa dalawang bansa upang maipagpatuloy ang momentum ng kanilang napagkasunduan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *