victory parade

Victory parade ng Golden State Warriors, dinumog

Sports

Sa ikalawang sunod na taon, dinumog ng mga nasa humigit kumulang isang milyong fans ang ginanap na victory parade ng back-to-back NBA champion na Golden State Warriors.

Ang downtown Oakland sa California, kung saan ginanap ang parade, ay napuno ng kulay blue at gold mula sa mga fans na dala-dala ang mga signboards na may nakasulat na “Dynasty” at “Back to Back Champions.”

Ang mga fans na nasa likod ng mga barriers ay hindi magkamayaw ng makita ang mga players ng Warriors na nasa open, double-decker buses.

Game na game at masayang nakipaghalubilo at nagpapicture ang mga players ng Warriors sa pangunguna ni 2 time NBA MVP Steph Curry, Kevin Durant, Draymond Green,  Javale Mcgee, Nick Young at Jordan Bell at Coach Steve Kerr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *