cabanatuan

Cabanatuan Vice Mayor Umali, pinasisibak ng Ombudsman

Regional

Pinasisibak sa puwesto ng Office of the Ombudsman si Cabanatuan City Vice Mayor Emmanuel Antonio Umali.

Ito ay dahil umano sa pagre-repack ng relief goods mula sa pamahalaan para magamit sa kampanya noong 2016 elections.

Bukod kay Umali, kasama rin pinasisibak ang dalawang councilors, dalawang barangay chairman at anim na iba pang city officials.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, nagkaroon ng grave misconduct, grave abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of service ang grupo ni Umali.

Pinagbabayad din ng Ombudsman ang nasabing mga opisyal ng katumbas ng tatlong buwan nilang suweldo.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang katulad na kaso laban kay dating Governor Aurelio Umali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *