chr

CHR, sang-ayon sa pagpapatigil ng PNP sa pagpresenta sa media ng mga suspek

National News

Sang-ayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa desisyon ng Philippine National Police (PNP) na itigil ang pagharap sa media ng mga maarestong suspek na sasampahan ng kaso.

Sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia na magandang hakbang ang ginawa ng PNP na bigyan ng due process at karapatan ang mga naaresto hangga’t hindi nahahatulan ng korte.

Una nang nagdesisyon si PNP Chief Oscar Albayalde na itigil ang insidente ng pamamahiya sa mga suspek bilang pagkilala ng PNP sa human rights.

Tiniyak naman ni Albayalde na hindi makakapekto ang desisyong ito sa mga mamamahayag dahil makakatanggap pa rin ang mga ito ng impormasyon hinggil sa mga maaaresto.

Suportado ng Malakanyang

Suportado naman ng Malakanyang ang bagong polisiya ng Philippine National Police (PNP) na huwag nang ipresinta sa media ang mga suspek sa iba’t ibang krimen.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto nila ang desisyon ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde dahil ito ang nakakaalam sa kung ano ang gagawin sa mga nahuhuling suspek.

Una nang ipinatupad ang pagbabawal ng photo ops sa mga suspek ni dating PNP Chief Director General Jesus Verzosa sa pamamagitan ng Memorandum Circular noong 2009.

 

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *