command conference

Command Conference sa Malakanyang, sumentro sa peace talks

National News

Sumentro sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines ang naging agenda ng Command Conference na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nais ng Pangulong Duterte na makuha ang kooperasyon ng PNP at AFP kaugnay sa muling pag-usad ng peace talks sa mga komunista.

Ayon kay Secretary Harry Roque, “They dwelt on the ongoing peace talks you can appreciate that the president wants the cooperation of the men and women in uniform with the peace talks and it appears that both the PNP and AFP are fully supportive of the peace talks.”

Napag-usapan sa Command Conference ang posibilidad na regrouping at pagpapalakas ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isinasagawa ang peace talks.

Sinasamantala ng mga NPA ang usapang pangkapayapaan para sa kanilang pag-recruit ng panibagong miyembro na ginawa na nila sa mga nakaraang peace talks.

 Dagdag pa ni Roque, “Although there was a warning that in the past the CPP-NPA would take advantage of the peace talks to regroup and to strengthen their ranks but the president assured them that we need to give the peace talks a chance, we need to end what the Guinness Book of World Records has described as the longest on-going insurgency in the planet.

 Samantala, posible aniyang hindi mahirapan si CPP Founder Joma Sison para makabalik ng Pilipinas.

Ayon kay pa Roque, ”Walang outstanding warrant of arrest si Joma Sison so there’s probably no basis for him to be apprehended and so there is no impediment for him to come home, pagtatapos niya.”

 

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *