quality basic education

Highest approval rating ng DepEd, patunay na naihatid ang quality basic education sa mga mag-aaral

National News

Napanatili ng Department of Education (DepEd) ang paglago ng access to quality basic education para sa mga mag-aaral.

Ito, ayon kay DEPED Undersecretary Nepomuceno Malaluan matapos makapagtala ng highest approval rating base ang DEPED sa pinakahuling Pulse Asia Ulat ng Bayan Survey.

Sa taunang approval rating ng DEPED, nakapagtala ito ng 84% nitong buwan ng Marso, mas mataas ito ng isang porsyento kumpara noong taong 2017

Ito naman ang pinakamataas na approval rating ng DEPED simula pa noong 2005 sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Briones.

Dagdag pa ni Malaluan, pinaigting ng kagawaran ang pagpupursige na mabigyan ng mas maayos na access to quality basic education ang mga mag-aaral.

Samantala, sinabi naman ni Secretary Briones na naging mas masigasig ngayon ang mga mag-aaral na makamit ang kanilang hangarin at ang tsansa na magkaroon ng mas maginhawang oportunidad sa buhay.

Bahagi sa agenda ng Education chief ang pagtitiyak na makabalik sa pag-aaral ang mga Out-of-School Children and Youth (OSCY) maging ang mga adult lifelong learners.

Pagbaba ng bilang ng Out-of-School Children and Youth

Kaugnay nito, ibinida naman ni Briones ang pagbaba ng bilang ng mga OSCY mula sa 9.77% noong 2016 ay bumagsak ito sa 9.11% nitong 2017.

Ito ay base sa datos ng 2017 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) kung saan siyam na porsyento sa tinatayang 39.2 milyong mga Pilipino na nasa edad 6 hanggang 24 na taong gulang ay mga Out-of-School Children and Youth (OSCY).

Kadalasan naman sa dahilan ng pagiging OSCY ng mga ito ay ang pag-aasawa o family matters na (37%), kakulangan ng personal interest (24. 7%) at mataas na halaga ng edukasyon o financial concern (17. 9%).

Sa 3.6 milyon na Out-of-School Children and Youth (OSCY)83.1% ay nasa edad 16 hanggang 24 taong gulang, 11.2% percent ay 12 hanggang 15 taong gulang at 5.7% ay nasa 6 hanggang 11 taong gulang.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *