Mayor Sara Duterte

Mayor Sara Duterte, bumuwelta kay Sen. Trillanes

National News

Binatikos ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng pahayag ni Trillanes na tatakbo si Sara sa pagka-pangulo sa taong 2022 para manatili ang kanilang pamilya sa kapangyarihan.

Sinabi ni Sara na dapat na siyang tantanan ng senador dahil ang huling taong bumatikos sa kanya ay nahirapan na hilain siya pababa.

Tinukoy ng alkalde ang pagkatalo sa 2010 mayoral race ng kalabang si dating House Speaker Prospero Nograles.

Una nang inihayag ni Sara ang kahandaan na tumakbo sa kongreso sa nalalapit na midterm election kung makatutulong ito sa kaunlaran ng Davao City subalit sa ngayon aniya ay wala pa siyang desisyon na kumandidato sa mataas na posisyon.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *