ched

Paglagda ng MOA sa libreng edukasyon sa kolehiyo, sinaksihan ni Pangulong Duterte

National News

Nilagdaan ng Commission on Higher Education (CHED) ang isang kasunduan sa pagitan ng mga namumuno sa state universities and colleges at local universities and colleges.

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa Memorandum of Agreement na magpapatupad sa Republic Act 10931 o libreng edukasyon sa kolehiyo.

Inaasahang makikinabang sa libreng edukasyon ang nasa 1.3 milyong estudyante sa mga state universities sa buong bansa.

Sa 2018 national budget, nasa 62.115 billion pesos ang nakalaan sa CHED na mas mataas kumpara sa higit 49.4 billion noong 2017.

Malaking bahagi ng budget ng CHED ay para sa libreng edukasyon.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *