kuwait

Pangulong Duterte, planong bumisita sa Kuwait

National News

Nais ipaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ng personal ang pasasalamat sa pamahalaan ng Kuwait.

Ito ay matapos pagbigyan Kuwaiti government ang mga naging kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas.

 Base sa kasunduan magkakaroon na ng isang araw na day off ang mga Pinoy na magtatrabaho sa kuwait at hindi na kinakailangan pang i-confiscate ng kanilang employer ang kanilang passport.

Papahintulutan din ang employer  na magluto ang mga OFWS ng sarili nilang pagkain, kalayaan sa pagpraktis ng kanilang relihiyon at higit sa lahat ang hindi sila sasaktan.

Sa mga may agam-agam na baka malaki ang gastusin ng biyahe ng pangulo ito ang naging pahayag ni Duterte:

Huwag kayong mag-alala. I will just take the commercial flight. Mag-commercial lang ako just to say “Salamat Po” and then I’ll take the next available flight back home. Just to show our gratitude.”

Wala pa  naman sinasabi ng Malakanyang na araw kung kailan ang pagbisita ng pangulo sa gulf state.

Magugunitang nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Pilipinas matapos mapatay ang Pinay OFW na si Joana Demafelis matapos madiskubre na sinilid ang patay na katawan nito sa freezer.

 

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *