barangay officials

VP Robredo, ‘di sang-ayon sa pag-aarmas sa mga barangay officials

National News

Lilikha lamang ng private armies at karahasan ang panukala ni  Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga barangay officials.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, ay dahil hindi naman matutugunan ng pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay ang mga problema sa kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

 Dagdag pa ni Robredo, “Iyong pagdadala ng armas, hindi iyon iyong kasagutan sa peace and order. Maraming ibang dahilan, maraming ibang paraan para panatilihin yung peace and order, na hindi mo kailangang armasan iyong mga barangay officials.”

 Tutol si Robredo sa panukala ng pangulo dahil hindi ito mandato ng mga barangay official at mayroon namang peacekeeping institutions sa bansa gaya ng mga pulis.

 Ayon kay Robredo, “Ako, hindi ako pabor, kasi hindi naman iyon iyong mandato ng barangay officials. Iyong mga barangay officials, iyon iyong nagpe-perform ng executive functions sa barangay. At mayroon tayong peacekeeping [institutions] —mayroon tayong pulis, mayroon tayong mga sundalo. Mayroon tayong kaniya-kaniyang roles sa ating community.

Una namang nilinaw ng Malacañang na pinag-aaralan pa ng pangulo ang panukala at sasailalim pa ito sa requirements ng AFP at PNP.

 

SMNI News

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *