duterte

Sen. Pimentel, ayaw ng term extension para kay Duterte

National News

Ang probisyon sa proposed federal constitution ng binuong Constitutional Commission (ConCom) na nagbibigay pagkakataon kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling tumakbo sa pagkapresidente sa 2022.

Paliwanag pa ng senador na kilalang kaalyado ni Duterte, hangga’t maaari iwasan ang pagbuo ng mga kontrobersyal na probisyon na hindi patungkol sa pederalismo.

“As much as possible iwasan ang controversial provisions na not about federalism kasi otherwise ang usapan mada-divert ang attention ng taongbayan doon sa controversial provisions na yun,” ani Pimentel.

Giit pa ni pimentel, Chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, na nagdudulot lang ng kaguluhan sa taumbayan ang panukalang term extension kay Duterte sa binubuong bagong konstitusyon.

“Hindi tuloy napapag-usapan ang pagbabago na dadalhin ng pederalismo. Nag-away-away lang tayo kung puwede tumakbo o hindi,” pagtatapos ni Pimentel

Maliban sa incumbent president, nais din ni Pimentel na hindi na payagan pang makatakbo sa bagong konstitusyon ang mga nanalo sa pagkapangulo ng bansa mula ng naitatag ang 1987 Constitution.

Nitong Biyernes lang, July 6, muling ipinangako ni Duterte na ayaw na nitong i-extend pa ang kanyang termino bilang pangulo.

 

 Ulat ni: Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *