Universal Health Care

Universal Health Care, tatalakayin sa cabinet meeting

Health

Nais ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isulong ang pagsertipika bilang urgent bill ang panukala nitong Universal Health Care.

Si Roque ang principal author ng House Bill 5784 Universal Health Care noong mambabatas pa ito ng Kabayan Partylist.

Noong Setyembre ay pasado na 3rd reading ng panukala ni Roque.

Pero nakabinbin pa sa senado ang kahalintulad nitong batas na si Senator JV Ejercito naman ang may-akda.

Sa panukala ni Roque ang Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH ay babaguhin.

Ito ay magiging Philippine Health Security Corporation na siyang mangunguna para sa health services ng mga Pinoy.

Maliban rito, bubuin rin ng Health Technology Assessment Council at mas palalakasin ang kapasidad ng Department of Health (DOH) sa paghahatid ng mahusay serbisyo sa lahat ng mga ospital.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *