PINAGTIBAY

Pag-obliga ng LTFRB sa mga PUB na maglagay ng GPS, pinagtibay

National News

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon pabor sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay obligahin ang lahat ng pampublikong bus na maglagay ng Global Positioning System (GPS) devices.

Ibinasura ng 12th Division ng CA ang mosyon ng Nagkakaisang Samahan ng mga Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas na baligtarin ang ruling noong February 27 dahil sa kawalan ng merito.

Ipinaliwanag ng CA na ang polisiya ng LTFRB ay may legal cover sa Administrative Code of 1987.

Kaligtasan at convenience ng publiko

Kung saan may kapangyarihan ang regulatory body na mag-isyu ng mga regulasyon para matiyak ang kaligtasan at convenience ng publiko.

Noong Pebrero ay pinagtibay ng korte ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na ligal o konstitusyunal ang LTFRB Memorandum Circular Numbers 2015-021 at 2015-026.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *