ruffy biazon

Ruffy Biazon, nanawagan sa pamunuan ng LTFRB

Metro News

Muntinlupa Lone District Representative Ruffy Biazon, nanawagan sa pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB.

Upang irekonsidera ang suspension ng per-minute charge sa mga Transport Network Vehicles Services (TNVS).

Ayon kay Biazon, maaring magresulta sa public inconvenience ang patuloy na pagdami ng mga humintong TNVS driver.

Dahil sa kawalan ng sapat na kita

Hindi na aniya sapat ang kita ng mga drivers ng TNVS mula ng suspendihin ng ahensya ang per-minute charge bunsod ng mataas na presyo ng langis at ang mahabang biyahe dulot ng traffic.

Dahil dito, batid ni Biazon na maraming drivers ang huminto dahil sa “unprofitable conditions” na siyang malaking kawalan sa araw-araw na mga commuters.

Aniya, malaki ang naitutulong ng mga ride-sharing services sa pang-araw na mga commuters dahil sa ginhawang hatid nito sa biyahe.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *