aksyunan

4 sa 5 Pilipino, nais aksyunan ang militarisasyon ng China sa WPS

National News

Apat sa limang Filipino ang nagnanais na aksyunan ng gobyerno ang militariisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa isinagawang survey, 81-percent ng mga Pinoy ang nagsabing “hindi dapat”..

Hindi dapat hayaan ng gobyerno ang pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa bansa mula Hunyo 27-30.

Inilabas ang survey ilang araw matapos nagkalat sa Metro Manila ang welcome banner na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas.

Samantalang sa hiwalay na survey ng Pulse Asia, 73 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na dapat ipaglaban ng gobyerno ang karapatan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *