Dating pangulong Noynoy Aquino, hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

National News

Hindi dadalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na hindi ito dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte.

Kinumpirma ito ng Inter-parliamentary Relations and Special Affairs Bureau ng House of Representatives.

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang hindi pagdalo ni Aquino.

Sa ngayon, kumpirmadong dadalo sa sona sina Vice President Leni Robredo, dating pangulong Fidel Ramos.

Dadalo din si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Gayundin sina dating Senate Presidents Juan Ponce Enrile, Aquilino “Nene” Pimentel Jr., Manny Villar, dating House Speaker Jose de Venecia, Jr.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *