malulubog

Pilipinas, hindi malulubog sa utang

National News

Hindi malulubog sa utang ang Pilipinas sa proyektong ipinagkaloob ng China sa bansa.

Ito ang naging pagtiyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa pagdalo nito sa ground breaking ceremony ng two China aid project na itatayo sa katapusan ng Hulyo.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, walang masama sa pagtanggap sa mga inaalok na proyekto ng china sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim, batid ng pamahalaan ang mga hakbang nito.

Kayat wala aniyang dapat ipangamba ang publiko kaugnay sa lumalalim na relasyon ng China at Pilipinas.

Nilinaw ni Dominguez na ang dalawang tulay ay mahalaga aniya sa mabilis na takbo ng ekonomiya sa buong Metro Manila.

Lalo na sa usapin ng trapiko sa bansa.

Libre din aniya itong ibinigay ng China at walang anumang kapalit.

Ang dalawang proyekto ay bahagi ng Metro Manila Logistics Improvement Network.

Kung saan layon nitong magtayo ng aabot sa 12 tulay na tatawid sa mga kailugan ng lungsod ng Pasig, Marikina, at Manggahan.

Nagkakahalaga ang dalawang proyekto ng limang bilyong piso (P5-B).

 

Ulat ni: Admar Vilando

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *