trump

Trump, pumanig sa Russia kaugnay ng 2016 US presidential election

International News

Kinontra ni US President Donald Trump ang US intelligence agencies sa umano’y panghihimasok ng Russia sa nakaraang 2016 presidential election.

Ito’y matapos ang ginawang face-to-face talks sa pagitan nina Trump at Russian President Vladimir Putin.

Na umabot ng halos dalawang oras sa Helsinki, Finland.

Sinabi ni Trump na walang dahilan kung bakit nasasangkot ang Russia sa election meddling.

Sinabi rin mismo ni Putin sa kanya na walang kinalaman ang Russia sa naturang alegasyon.

Sa pagharap ng dalawang lider sa media, muling nilinaw ni Putin na hindi kailanman nanghihimasok ang kanyang bansa sa mga gawain ng Amerika.

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *