edukasyon

Bagong education online platform, pormal na inilunsad

National News

Naguguluhan ka ba sa kurso na gusto mong kunin, o di naman kaya eskwelahan na gusto mong pasukan?

Ang edukasyon.ph ay may sagot diyan.

Ang edukasyon.ph ay nagtataglay ng mga listahan ng pribadong kolehiyo sa bansa na bukas para tumanggap ng mga estudyante.

Kasama rin dito ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga eskwelahan na interesadong mong pasukan.

Pero paglilinaw ng organisasyon, ito ay karagdagang inisyatiba lang sa mga hakbang ng pamahalaan sa pagkakaroon ng mga de kalidad na estudyante sa bansa.

Katuwang ng organisasyon ang Department of Education (DepEd).

Ito ay makatutulong sa pagdetermina o mungkahi sa mga eskwelahang may pinakamababang tuition hanggang sa pinakamahal.

Para malaman ito, itype lang ang www.edukasyon.ph, i-click kung anong eskwelahan ang hinahanap, kung saan ito matatagpuan at kung ano ang mga kurso na pagpipilian.

Sa ngayon, may isang milyong mahigit na ang monthly visit sa kanilang website ang nasabing organisasyon.

Nakapagtala na rin ito ng mahigit sa isandaang libong student contacts sa buong bansa.

Maliban sa school services, nagiging tulay din ang website sa pagbibigay ng makabuluhang payo sa mga estudyanteng nais magtrabaho sa lokal at internasyonal na empleyo.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *