Pangulong Duterte

Mga magaganap sa SONA ni Duterte, isinasapinal na

National News

Isinasapinal na ng Office of the President ang mga magaganap ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong darating na Lunes, July 23 sa Batasan Complex.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, patuloy ang isinsagawang pag-consolidate at pagpaplano para maging mahusay ang paglalahad ng pangulo sa kanyang ikatlong ulat sa bayan.

Walang pinal kung may mga ipapalabas na audio visual presentation sa mismong SONA ng pangulo.

Ani andanar ngayong weekend ang nakatakdang rehearsal ng pangulo.

Hindi pa tiyak kung sa Davao City o dito sa Malakanyang isasagawa ito.

Posible din aniyang present si Direk Joyce Bernal sa gagawing rehearsals ng pangulo.

Una nang sinabi ng Malakanyang na nasa 35 minutes ang magiging talumpati ng pangulo.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *