Usain Bolt

Usain Bolt, determinadong makapasok sa professional football

Sports

Tuloy pa rin ang pangarap ni retired Olympian Usain Bolt na makapasok sa professional football.

Ayon sa long time agent ng tinaguriang “The Fastest Man Alive” na si Ricky Sims,

ikinukonsidera nila ang ini-offer na trial ng Central Coast Mariners.

Isang club ng A-League, ang professional football league sa Australia.

Dagdag ni Sims, pursigido si Bolt na makapaglaro sa isang professional football club.

Matapos mag-retiro bilang track and field athlete, nakapag-trial na si Bolt sa 2 German football club pero bigo itong makakuha ng spot.

Pero pagbibigay diin ni Sims, determinado si Bolt na mapatunayan na karapat-dapat siyang mabigyan ng kontrata.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *