Bagyong Inday

Bagyong Inday, bahagyang lumakas

National News

Bahagyang lumakas ang Bagyong Inday habang tinatahak ang silangan hilagang-silangang direksyon palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa huling weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kph.

Kumikilos naman ito sa bilis na 20kph sa direksyong pasilangan hilagang-silangan.

Huli naman itong namataan sa layong 935 km east ng Basco, Batanes.

Inaasahan namang lalabas ang bagyo sa PAR bukas kung hindi magbabago ang kilos nito.

Samantala, patuloy namang makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng bansa.

Bunsod ng pinalakas na hanging habagat.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *