malagdaan

BBL, posibleng malagdaan ni Duterte bago ang SONA

National News

Mismong sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte posibleng malagdaan ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Paliwanag ni Presidential Spokespeprson Harry Roque, dadaan pa ng ratification ng dalawang kapulungan ng kongreso ang naturang panukala bago lagdaan ng pangulo.

Gagawin naman ang ratification o ang pagpapatibay sa Lunes ng umaga sa pagbubukas ng bagong sesyon.

Posibleng lagdaan ng pangulo ang consolidated version ng BBL sa senado at kongreso para maging ganap na itong batas.

Dahil dito pasok sa target date ng administrasyon na malagdaan ang naturang panukalang batas.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *