no-el

No-El scenario, ayaw ni Pangulong Duterte

National News

Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng No-Election (No-El) scenario sa 2019.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang.

Ani roque, napag-usapan na nila ng presidente ang isyu.

Garantiya umano sa kanya ng pangulo ay wala siyang anumang magiging kamay patungkol sa isyu ng No-El.

Naniniwala si Duterte sa pagkakaroon ng halalan bilang bahagi ng demokrasya.

Kaya’t hindi siya makapapayag na hindi matuloy ang nakatakdang eleksiyon sa 2019.

Dagdag ni Roque na ang gusto nga ng presidente ay maisabay na ang referendum sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa 2019 elections.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *