cha-cha

Dating CJ Sereno, tutol sa Cha-Cha

National News

Tutol si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pinaplantsang Charter Change (Cha-Cha) ng Administrasyong Duterte.

Sa kaniyang pagdalo sa United People’s State of the Nation Address, kasabay ng sona ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sereno na magiging hari-harian ang pangulo sa isinusulong na Federalism.

Ayon sa dating chief justice, sa ilalim ng federalism ay posibleng mabangkarote ang gobyerno at maghahari ang mga warlords.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Sereno na sa halip na Federalism ay palakasin na lamang ang local government code.

At dagdagan ang kanilang budget.

Sinabi naman ni Elijah San Fernando ng Laban ng Masa na sa halip na Pederalismo ay trabaho na lang ang atupagin ng administrasyon.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *