State of the Nation Address

Kampanya kontra iligal na droga, pinakamahalagang accomplishment ni Duterte

National News

Kampanya kontra iligal na droga ang isa sa pinakamahalagang accomplishment ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon.

Ito ang paniniwala ng mayorya.

O animnapu’t siyam na porsyento ng mga Pinoy sa pinakahuling survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan.

Batay din sa June 15 to 21 survey, pangalawa sa accomplishment ng Administrasyong Duterte ay ang pagsugpo sa kriminalidad sa bansa.

Kung saan limampung porsyento ng mga Filipino ang naniniwala rito.

Pangatlo naman sa mga nagawa ng Duterte Administration ay ang ibinigay na umento sa sahod sa mga pulis at sundalo.

Habang pang-apat sa accomplishment ng administrasyon ay ang paglaban sa katiwalian at koraspyon.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *