kudeta

Kudeta sa Kamara, itinanggi ng isang mambabatas

National News

Itinanggi ni Capiz 2nd District Representative Fredenil Castro na mayroong “coup d’état “ (kudeta) ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos, mapalitan sa pwesto si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Ayon kay House Deputy Speaker at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro, walang pag-aaklas na naganap.

Kundi pagpapalit lamang ng liderato ng Kamara sa pag-upo dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani Castro, walang coup na nangyari dahil nakakuha ng sapat na boto si Arroyo para pamunuan ang Kamara na siyang isinasaad sa House rules.

Matatandaan na marami ang nabigla sa mabilis na pagpapalit ng liderato ng kamara na itinaon pa sa araw ng mismong State Of The Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *