tinanggihan

Acting CJ Carpio, tinanggihan ang nominasyon para maging Punong Mahistrado

National News

Tinanggihan ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang otomatikong nominasyon para maging punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sa kaniyang liham sa Judicial and Bar Council (JBC), kinumpirma nito ang pag-atras sa nominasyon bilang Punong Hukom.

Binigyang diin ni Carpio na ayaw niyang makinabang sa nangyaring pagpapatalsik sa pwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kasama rin sa otomatikong nominasyon bilang susunod na chief justice sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.

Subalit nakatakda nang magretiro sa Agosto at Oktubre sina Velasco at de Castro.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *