Supreme Court Chief Justice

JBC, umaasang madaragdagan ang bilang ng aplikante sa Supreme Court Chief Justice post

National News

Umaasa ang miyembro ng Judicial Bar and Council na madaragdagan pa ang bilang ng mga aplikante para maging Supreme Court Chief Justice.

Kasunod ito ng nakatakdang pagtatapos ng pagtanggap ng aplikasyon ngayong araw July 26.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, JBC Ex Officio Member, tanging si Associate Justice Lucas Bersamin pa lamang ang tumanggap ng otomatikong nominasyon para sa naturang posisyon.

Kabilang sa otomatikong nominado para sa pagkapunong mahistrado ay si acting chief Justice Antonio Carpio ngunit tinanggihan niya ito.

Wala namang kumpirmasyon sina Associate Justices Presbitero Velasco, Jr., Teresita Leonardo-de Castro, at Diosdado Peralta kung tinanggap ba nila ang nominasyon.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *