Yeng Guiao

Yeng Guiao, Head Coach ng National Team  sa 2018 National Games

Sports

Tinanggap ni NLEX Coach Yeng Guiao ang trabaho bilang mentor ng men’s basketball team na lalahok sa 2018 Asian games.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, nararapat lamang umanong si Guiao ang maging head coach.

Dahil sa kanyang mga karanasan sa international arena.

Pamumunuan ni Guiao ang team na binubuo ng mga players na galing halos lahat sa Rain or Shine, na koponang dati rin nitong hinawakan sa PBA.

Matatandaan na sinabi ni Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas, na maliban sa mga manlalaro mula sa Elasto Painters, kasama rin sa 18-man lineup ang Fil-Am Guard na si Jordan Clarkson.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magiging coach si Guiao ng National Team.

Kung saan hinawakan nito ang Pinoy squad na sumabak sa FIBA Asia championship noong 2009.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *