Zsa Zsa Padilla, binisita ang puntod ni Dolphy  

Showbiz

Binisita ni singer Zsa Zsa Padilla sa puntod ng kanyang late partner na si Dolphy para sa kanyang ika-90th birthday nitong July 25.

Ayon sa mensahe ni Zsa Zsa para kay Dolphy sa kanyang Instagram account, masaya ito sa tuwing inaalala niya ang kanilang mga alaala ni Dolphy at blessed siya na maging partner ng sikat na aktor.

Ang caption ni Zsa Zsa sa post ay base sa kanta ni Faith Hill na “There You’ll be.”

Matatandaang pumanaw si Dolphy noong ika-10 ng Hulyo taong 2012 sa edad na 83 matapos ang kanyang halos limang taon na pakikipaglaban sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *