marco gallo

Former PBB Teen Housemate Marco Gallo, balik-Italy na

Showbiz

Tuluyan nang nilisan ni former Pinoy Big Brother Teen Housemate Marco Gallo ang showbiz sa Pinas upang bumalik sa Italy.

Ayon sa mga fans ni Marco, ipagpapatuloy nito ang kaniyang pag-aaral sa kanyang home country.

Ibinahagi naman ni Marco ang kanyang last moments sa Pilipinas kasama ang mga taong malalapit sa kanyang puso kabilang na ang kanyang Star Magic family at mga fans.

Sa mensahe ni Marco sa kanyang mga best friends na sina Maymay Entrata at Edward Barber, sinabi nito na maninibago ito dahil hindi na niya makikita ang mga malalapit na kaibigan.

Pinaalalahanan din ni Marco ang dalawa na iwasan ang selos dahil wala na siya para sila ay pagbatiin at sinabing I’ll see you soon.’

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *