Special Concert Crusade

Magkasunod na Special Concert Crusade ni Pastor Apollo Quiboloy sa Brazil, naging matagumpay

Kingdom News

Matapos ang matagumpay na Special Thanks Giving Worship Presentation sa Sao Paulo, sunod namang binisita ng Hinirang na Anak ng Diyos Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang nagpapatuloy na King is Coming Tour sa Brazil, ang Brasilia.

Nasaksihan ng buong mundo ang espirituwal na kaliwanagan na maaari lamang mapakinggan mula sa itinalagang Anak ng Diyos.

Tulad ng inaasahan, napuno ang lugar kung saan isinagawa ang Special Thanksgiving Worship Presentation ng mga bisita, symphatizers, televiewers at mga tagasubaybay sa mga programa ni Pastor Apollo na kung saan ang bawat isa ay sabik na marinig ang mensahe ng kaligtasan.

Pinangunahan ng Kingdom Musicians ang pagpupuri sa pamamagitan ng mga makalangit at masasayang awitin.

At ang pinakahihintay ng lahat, ang pagbibigay ng sariwang Manna ng Kapahayagan na nagmumula sa Amang Makapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na anak Pastor Apollo.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga lenguwahe ng mga nasa pagtitipon ay nagkaisa naman ang mga ito sa pamamagitan ng Manna of Revelation na ipinagkaloob ni Pastor Apollo at nagkaisa ang mga ito na tumanggap ng espirituwal na kaliwanagan.

At upang makumpleto ang masaganang pagpapala para sa mga nakiisa sa naturang pagtitipon ay nag-alay ng isang espesyal na panalangin ang Hinirang na Anak ng Diyos.

Ang matagumpay na King is Coming Tour ni Pastor Apollo sa Sao Paulo at Brasilia ay patunay na naaabot ang apat na sulok ng mundo ng espiritwal na kaliwanagan.

Patuloy naman sa pagtutok ng Sonshine Media Network International para sa higit pang mga update sa mga gawain ni Pastor Apollo at ng buong Kingdom Nation.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *