isusulong

Speaker GMA, isusulong ang pagpasa ng TRAIN 2 

National News

Isusulong ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagpasa ng ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2.

Subalit giit ni SGMA, dapat tawagin na “Corporate Income Incentives Form” imbis na TRAIN 2 ang panukala.

Dahil misleading ang dating nito sa publiko.

Punto pa ng House Speaker, nanawagan si Pangulong Duterte na ipasa ang lahat ng tax reform packages sa nagdaang SONA.

Kung kaya ito ang isusulong niya sa Mababang Kapulungan.

Matatandaan na naunang sinabi ni Arroyo sa kanyang pag-upo bilang lider ng Kamara ang pagsusulong sa mga legislative agenda ng administrasyon.

Samantala, nasa Kamara naman ngayon ang mga economic managers ng administrasyon.

Ito ay upang pag-usapan ang 2019 National Budget at pagtugon sa mataas na inflation rate sa bansa.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *