basilan

11 katao, patay sa pagsabog sa Lamitan, Basilan

Regional

Umakyat na sa labing isa ang patay habang pito ang sugatan sa pagsabog sa isang checkpoint sa Sitio Bulanting, Barangay Colonia, Lamitan, Basilan.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, kabilang sa nasawi ang

  • limang CAFGU,
  • apat na sibilyan,
  • isang sundalo at
  • isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na nagpasabog ng van.

Sinabi ni Arevalo na lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Furuji Indama ang nasa likod ng pagpapasabog.

Lulan aniya ng nasabing van ang ilang Improvised Explosive Device (IED) na planong ideploy sa Basilan.

Patuloy pa ring inaalam ang ulat na dayuhan ang nasawing salarin.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kanilang kinukondena sa pinakamataas na antas ang insidente ng terorismo na nagresulta ng iba pang inosenteng indibidwal.

Nagbigay naman ng katiyakan ang Palasyo na ibibigay ng gobyerno ang hustisya para sa mga inosenteng sibilyang nasugugatan.

Habang siniguro din nitong pananagutin nito ang mga salarin sa pag-atake.

 DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *