nacionalista party

Nacionalista Party, kakalas sa pakikipag-alyansa sa PDP-Laban

National News

Kakalas na si Senador Cynthia Villar ng Nacionalista Party bilang kaalyansa ng PDP-Laban.

Ito’y matapos hindi umano natupad ang kanilang nilagdaang cooperation agreement sa pagitan ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado rin si Villar na dismayado siya sa pagkuha ng PDP-Laban sa sampu nilang miyembro mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kaugnay nito, sinabi ni Villar na nakausap niya si Davao City Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago.

Ayon kay Villar, positibo naman ang naging tugon ng alkalde bagay na ikinatuwa ng senadora.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *