hukbong pagbabago

Nacionalista Party, wala pang pinal na alyansa sa Hukbong Pagbabago ni Sara Duterte

National News

Wala namang nakikitang dahilan ang Nacionalista Party para posibleng Alyansa nito sa Hukbong Pagbabago na pinangungunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte

Ito ang inihayag ni Senador Cynthia Villar.

Ayon kay Villar, sa ngayon hindi pa napag-iisipan ng kanilang partido ang pakikipag alyansa sa anumang partido.

Bagamat aminado ang senador na naging mabait ang partidong Hukbong Pagbabago.

Dahil sa pag-endorso nito sa NP sa nagdaang eleksyon sa rehiyon ng Mindanao.

Sa kabila nito itinuturing naman ni Villar na kaibigan pa rin ang partido ng administrasyon dahil sa suportang ipinaabot nito sa kanila.

Paglilinaw pa ni Villar, nananatili pa ring maayos ng NP sa relasyon sa administrasyon.

Sa kabila ng unti-unti paglilipat ng mga kaalyado ng PDP sa ibang partido.

Samantala, kinumpirma naman ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang posibilidad na pakikipag-alyansa nito sa Hukbong Pagbabago.

Pero paglilinaw nito hindi pa napag-uusapan ng grupo ang nasabing plano.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *