afp

AFP, nilinaw na 10 lang ang namatay sa pagsabog sa Basilan

National News

Ibinaba ng AFP ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng isang van sa checkpoint sa Lamitan, Basilan.

Mula labing isa ay ibinaba ito sa sampu na kinabibilangan ng isang sundalo, apat na CAFGU, apat na sibilyan at ang salarin.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, buhay pa ang isang CAFGU na unang napaulat na nasawi.

Pero ito ay nasa kritikal na kondisyon.

Matapos akuin ng ISIS ang pagpapasabog, sinabi ni Arevalo na madali na sa anumang armadong grupo na sakyan ang pag-atake.

Gayunman, hindi nila inaalis ang posibilidad na ang ISIS ang nasa likod ng insidente.

Inilabas ng ISIS ang larawan ng isang Moroccan national na kinilalang si Abu Kathir Al-Maghribi na nasa likod ng umano’y suicide bombing sa Basilan.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *