mocha uson

Asec. Mocha Uson, planong imbitahan ni Sen. Binay kaugnay ng pagtalakay sa Cha-Cha

National News

Plano ni Senador Nancy Binay na imbitahin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec. Mocha Uson sa pagtalakay nila ng Charter Change (Cha-Cha).

Ito ay matapos mapili ng Malakanyang si Uson na manguna sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Hinggil sa isinusulong na Pederalismo.

Kasunod ito ng resulta ng nakaraang survey kung saan mayorya sa mga Pinoy ang nagsasabing walang alam sa Federal System of Government.

Ayon kay Binay, naglaan ang gobyerno ng 90 milyong piso para rito kaya’t mahalaga aniyang matiyak na tama ang sasabihin ni Uson sa publiko.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *