hummer

Mga Hummer SUVS at ilang van, inarbor ni Duterte para sa PNP, AFP at LGUs

National News

Inarbor ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi niya ipinasama sa mga sinirang smuggled luxury cars ang mahigit sampung Hummer SUVS at ilang van.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng National Security Council at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Sinabi ng pangulo na ibibigay niya sa PNP at AFP ang mga Hummer.

Habang ang mga van ay ipagkakaloob niya sa local government units sa Cagayan.

Para magamit sa kanilang trabaho.

Matatandaan na mahigit sa 227 milyong pisong halaga ng mga mamahaling sasakyan ang sinira sa Port Irene, Sta. Ana Cagayan noong Lunes, July 30.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *