overall deputy ombudsman

Pagsibak kay Overall Deputy Ombudsman Carandang, dumaan sa due process

National News

Tiniyak ng Malakanyang na dumaan sa due process ang pagsibak kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pagpapatalsik kay Carandang sa puwesto.

Matapos makitaan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sinabi ni Roque na nagbigay ng sapat na panahon si Carandang upang mabigyang linaw nito ang reklamong inihain laban sa kaniya sa Office of the President.

Si Carandang ay sinampahan ng reklamo ni dating Congressman Jacinto Paras.

Matapos nitong isapubliko ang umano’y bilyong pisong nakaw na yaman ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *