Puerto

Naiwang P1.5-M sa isang maleta sa Puerto Princesa Airport, naibalik na sa may-ari

Regional

Binigyang papuri ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga airport personnel ng Puerto Princesa City International Airport.

Ito ay dahil sa hindi pagkakatukso sa nakuha nilang maleta na naglalaman ng P1.5 milyon

Ayon sa guwardiyang si Jovanni Yumen, nakita niya ang asul na maleta sa tabi ng mga halaman sa arrival area.

Dahil sa kahina-hinala, ay agad niyang ipinagbigay alam ito sa bomb squad ng PNP Aviation Security Group.

Ng mag-negatibo sa bomba, binuksan nila ang maleta at nakita ang bulto ng pera na tig-P1,000 na ibinalot sa jacket.

Makalipas ang ilang oras, isang Danilo Dequito ang naghahanap ng asul na maleta at ng mapatunayang ito nga ang may-ar ng maleta ay ibinigay rin ito agad sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *