Pinabulaanan

Pinabulaanan ng AFP na dayuhan ang driver na nagpasabog ng van sa Basilan

Regional

Pinabulaanan na wala pang kumpirmasyon ang AFP sa ulat na dayuhan ang driver ng van na sumabog sa Lamitan City, Basilan na ikinasawi ng sampu katao.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, walang silang nakikitang anumang indikasyon na foreigner ang driver.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa pagsabog.

Sinabi ni Arevalo na wala pang konkretong ebidensya na ang ISIS ang nasa likod ng pagsabog.

Sinabi ng isa sa mga nakaligtas sa pagsabog na si Gregorio Inso na naniniwala siyang dayuhan ang nagmamaneho ng sasakyan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *