sinalakay

Sinalakay na warehouse ng mga pekeng kagamitan, higit P10-B ang halaga

Metro Manila

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang warehouse sa Barangay Balingasa sa Quezon City.

Ang pagsalakay ay pinangunahan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña kasama ang iba pang operatiba.

Nadiskubre sa naturang imbakan ang iba’t ibang smuggled at pekeng produkto.

Ang sinalakay na warehouse ay tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-B.

Ayon kay Lapeña, nakatanggap sila ng isang tip kaya isinagawa ang naturang raid.

Kabilang sa mga nakitang produkto rito ay ang mga smuggled cigarettes, used clothings, imported rice at iba pang fake goods at tax stamps.

DZAR News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *