libya

Labor Secretary Bello, planong bumiyahe sa Libya

National News

Plano ni Labor Secretary Silvestre Bello III lumipad patungong Libya.

Para iuwi ang pitong Pinoy na nakakulong matapos kasuhan ng smuggling ng langis.

Umaasa si Bello na maaabswelto ang nasabing pitong opisyal na Pinoy.

Matatandaan na noong Agosto 2017 ay inaresto ang dalawampung Pinoy seafarers.

Kung saan pinalaya ang labing tatlo habang kinasuhan ang pitong opisyal ng barko.

Samantala, umaasa din si Bello na mapalaya na ang tatlong engineer na Pinoy na bihag ng mga armadong grupo sa Libya.

Upang maisama na niya pauwi ng Pilipinas.

Ngayong araw malalaman ni Bello kung kailan ang biyahe niya patungong Libya.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *