venezuelan president

Venezuelan President Maduro, ligtas sa drone assassination attempt

International News

Nakaligtas mula sa drone assassination attempt ang Venezuelan President na si Nicolas Maduro.

Ito’y sa panahon nang magbigay si Maduro ng talumpati sa isinagawang komemorasyon ng ikawalumpu’t isang anibersaryo ng Venezuelan National Guard sa kapital ng Caracas.

Bigla na lamang napatigil si Maduro sa kanyang talumpati matapos na umatake ang mga drones na armado ng bomba.

Dahilan upang masira ang linya ng mga sundalo na tumakbo sa iba’t ibang direksyon.

Matapos makaligtas sa assissination ay muling nagsalita si Maduro.

At itinuro ang outgoing president na si Juan Manuel Santos na isa sa mga nasa likod ng pag-atake.

Itinanggi naman ito ng Colombian Presidential source dahil walang basehan ang akusasyon ni Maduro.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *