arroyo

Con-Ass, isusulong ni Speaker GMA sa pag-amyenda ng Konstitusyon

National News

Nais ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mag-convene bilang Constituent Assembly (Con-Ass) ang Senado at Kamara para amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay SGMA, nararapat na mag-convene bilang Con-Ass ang dalawang kapulungan.

Subalit pagbobotohan pa rin ng hiwalay ang Charter Change.

Sa hearing ng house Comittee on Constitutional Ammendments, mahigpit ang direktiba ni SGMA kay Commitee Chairman Representative Vicente Veloso na gawan ng paraan na makumbinse ang mga senador na magconvene bilang Con-Ass.

Ani SGMA, pag-uusapan sa Con-Ass ang laman ng proposed Federalism charter na binuo ng Consultative Commitee kaya importante na mapag-usapan ito ng sabay ng dalawang kapulungan.

Sa ngayon ay nasa executive session na ang committee hearing na layong makabuo ng hakbang para makumbinse ang senado sa Con-Ass.

Resolusyon ng separate voting sa Charter Change, naihain na

Pormal ng inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang House Resolution 2056.

Na nag-aatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na magkaroon ng hiwalay na botohan sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ang hakbang ay ginawa matapos ma-adopt ang House Concurrent Resolution No. 9 na umusad sa panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na nag-aatas ng joint voting ng Senado at Kamara.

Nauna namang sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya na kailangan munang i-withdraw ang naunang concurrent resolution.

Upang mai-file ang resolusyon ng separate voting.

Matatandaan na tutol ang mga senador sa panukalang joint voting dahil sa posibilidad na hindi mapakinggan ang kanilang panig.

Hinihintay na lamang na mai-release ng Office of the Speaker ang buong detalye ng HR 2056.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *