june mar

Pagkatalo ng SMB sa PBA finals, wake-up call kay June Mar Fajardo

Sports

‘Masakit.’ Ito ang nasambit ng Beermen player na si June Mar Fajardo.

Ito ay matapos silang talunin ng Barangay Ginebra sa katatapos na PBA Commissioner’s Cup Championship.

Aniya nakakalungkot ang naging resulta ng laro lalo na’t inexpect nilang magwawagi sila.

Pero dagdag pa ni Fajardo na kailangan nila itong tanggapin dahil hindi lahat ay kaya nilang ipanalo at maaring sa pagkakataong ito ay para sa Gin Kings ang kampeonato.

Si Fajardo ay nakapag-ambag sa Game 6 ng 29 points and 15 rebounds sa loob ng 42 minuto nitong paglalaro sa loob ng court.

Hindi dapat sila magpakampante sa mga susunod na laro at magsisilbi aniya itong wake-up call sa kanilang lahat.

Paglilinaw ni June Mar, wala silang naging pagsisisi dahil ibinuhos naman nila ang lahat ng kanilang effort.

“Nandoon naman yung effort. Nagmintis lang talaga kami ng marami, may mga lapses din kami,” ayon pa kay June Mar Fajardo.

Ulat ni: Jao Gregorio

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *