spokespersons

PCOO, kinumpirma na may listahan na ng magsisilbing Spokespersons on Federalism

National News

May napili nang magiging spokespersons ang Inter-Agency Task Force na siyang tututok sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa Pederalismo.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Anya, kanilang isasapubliko ang magiging Federalism spokesman at agad na rin nilang sisimulan ang pangangampanya sa Pederalismo sandaling matapos ang pinal na pagpupulong ng inter-agency upang ikasa ang Federalism campaign.

Isa anya sa agad na  gagawain ng PCOO ay ang  makagawa ng radio at tv advertisement.

Habang makikipag-usap na rin aniya sila sa KBP o Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas.

Para sa anomang posibleng maitulong nito sa information dissemination campaign ng gobyerno tungkol sa Pederalismo.

Dagdag pa ng kalihim, nangangailangan din umano sila ng mga volunteer.

Ang sinomang interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *