economic managers

Dalawang economic managers ni Duterte, pinasisibak

National News

Nanawagan ang isang miyembro ng Consultative Committee (Con-Com) kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang dalawang economic managers nito.

Ang dalawang economic managers na sina Finance Secretary Sonny Dominguez at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Sinabi ni San Beda Graduate School of Law Dean Father Ranhilio Aquino na kung hindi masibak ng pangulo ang dalawa ay atasan na lamang ang mga ito na kontrolin ang kanilang pahayag sa Federalism.

Binatikos ni Aquino ang dalawang kalihim dahil sa negatibong pahayag sa panukalang gawing Federal ang sistema ng pamahalaan sa bansa.

Ipinunto nito na hindi akma sa cabinet officials ang Freedom of Expression bilang paggalang sa polisiya.

Nanawagan din si Aquino sa pangulo na dapat linawin ang kanyang posisyon sa Pederalismo.

Kung tunay nga ba itong pabor na mapalitan ang sistema ng pamahalaan sa bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *